Archive for July, 2009

Eating is a Social Thing

Posted: July 23, 2009 in Uncategorized
Tags: ,

I hate eating alone – much more when I eat out in restaurants. I believe good talk naturally comes when shared over good food.

Whenever I meet up with friends, it will always be either in a resto, coffee shop, or mall (where food shops are all around). I really cant’ think of any better place to meet up aside from these spots. Besides, what would me and my friends do if we don’t eat whenever we go out?

Bowl? Not really my thing…
Movie? This would always require eating as well. =p
Just talk? Nah! Too boring!

So below are some of my pictures with friends when we go out. VANITY ALERT! =p

McDo dinner with email buddies

McDo dinner with email buddies

Dinner with officemates at Racks

Dinner with officemates at Racks

After dinner drinks at Sidebar

After dinner drinks at Sidebar

Chocolate Kiss dinner at UP

Chocolate Kiss dinner at UP

Yet another Racks dinner (with Timmy this time). White Chardonnay was bleech but Mojito was nomnom =)

Yet another Racks dinner (with Timmy this time). White Chardonnay was bleech but Mojito was nomnom =)

Sidebar with Timmy. We shared a pitcher of Mai Tai and Frozen Mojito.

Sidebar with Timmy. We shared a pitcher of Mai Tai and Frozen Mojito.

Yet another dinner at Sbarro

Yet another dinner at Sbarro

I’ve got loads of pictures yet to upload but inserting them here is just too tedious.

My point is, eating really IS a social thing. So the next time you think of eating out, just give me a buzz and I’ll gladly come with you. And of course, we’ll split the bill. =)

Advertisements

Anibersaryo yo!

Posted: July 16, 2009 in Uncategorized
Tags:

First year anniv ko ngayon sa work. Wow! Naka one year na din pala ako! Parang ang bilis ng panahon. Naaalala ko pa nung bagong pasok ako dito eh.

*Flashback*

Birthday treat noon ni Bossing (head ng Department). Dinner sa Dencio’s Grill, sa may Jupiter. Ayoko sanang pumunta kasi nahihiya ako. Parang first day ko pa lang kasi nun na pumasok sa department eh. May mga kakilala naman ako, pero hindi ko pa sila kilala lahat. Naiilang pa ako sa mas nakararami. Yung mga contractual sa team namin, sasama daw. Sige, sasama na din ako. Sila kasi ang talagang kakilala ko – at bago lang din sila relative sa iba. Mga batchmates ko din.

So yun, pagkatapos irelease yung mga reports ko, punta na kami dun. Oo, kabago bago ko, may report na agad. Yung team namin ang last na pumunta sa venue. Halos tapos na sila lahat kumain nung dumating kami. Mukha pa akong tanga kasi hindi ko alam kung sino ang babatiin ng Happy Birthday. Hindi ko pa kasi namimeet si Bossing. Hinire ako nang hindi pa niya ako naiinterview. Pero ayos lang naman, pinakilala ako ng Supervisor ko sa kanya.

Nakakailang talaga yung ikaw lang ang bago. Nagbibiruan sila lahat. Kumportableng kumportable sa isa’t isa. May mga loveteam-loveteam pa silang nalalaman. Pinilit kong makiride. Nakitawa sa mga jokes nila. Nakiasar sa mga loveteams na kinukuhanan ng picture. Mahirap. Hiyang hiya ako. Parang gusto ko na lang umuwi pagkatapos kumain (eat and run! haha).

Matagal bago ko nakapalagayang loob lahat ng mga tao sa Department. May mga piling tao talaga na nahirapan akong basahin ang ugali. Pero sa tinagal tagal eh nakasundo ko din. Matagal din ang aking period of adjustment. Nahirapan ako kasi unang trabaho ko to. Hindi ko pa talaga alam kung pano ba ang kultura sa working force. Pero ngayon, pagkatapos ng isang taon, masasabi ko namang kahit papano ay nalubog na din ako sa circle nila. Naging kaibigan ko na sila kahit may ilan pang natitira na kinahihiyaan kong batiin pag nakasalubong sa harap ng elevator. Pero sa tingin ko eh hindi naman ako nag iisa na ganito. May mga tao lang talaga na hindi ganun ka approachable – intimidating.

Ngayon, birthday na ulit ni Bossing. Hanggang ngayon namamangha pa din ako sa galing ng timing. Hindi ko alam kung gaano pa ako tatagal dito. Hindi ko alam kung sa susunod na celebration ng birthday ni Bossing eh kasama pa ako sa magpipintura ng surprise para sa kanya. Mahirap pang tukuyin sa ngayon kung nasaan ako next year. Madami pang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. Sa ngayon, makukuntento muna ako sa kasiguruhang kaya ko nang buhayin ang sarili ko gamit ang perang galing sa sarili kong kayod.

At oo, Happy Anniversary sakin.