BABOY

Posted: January 12, 2011 in 100 Movies
Tags:

Hindi naman na sana ako magba-blog eh. Meron na kasi akong bagong project; yung 365 na album dun sa Facebook ko. Magpopost ako ng picture araw araw, with captions para naman may sense (kahit kadalasan wala naman talagang sense at bestfriend ko na lang ang natutuwa, haha). Kaso nagbakasyon ako nung December, tapos tinamad ako ng bonggang bongga mag picture araw araw. Ashaka, ano ba pipikchuran ko dun sa poorbinsiya namin? Yung baboy ng kapitbahay naming mabaho? Yung baboy yung mabaho, hindi yung kapitbahay. Tapos kain-tulog lang naman ako dun. Buhay baboy. Anubayan! Puro baboy! So ayun, wala na akong pang update. LOL. Whattaloser. Eh di “Itigil ang kalokohang ito!” naman ang dramz ko. Nalungkot yung limang taong sumusubaybay sa album ko, harhar. Sorry fans!

Eh gusto ko lang talaga gumawa ng pagkakaabalahan at poproblemahin buong taon, so may bago na naman akong project. 100 MOVIES. Taliwas sa pagkakaintindi ni Anna (hay naku!), hindi ‘to 100 movies in 100 days. Ano yun, kaadikan? Haha. (Alabsyu bibi!) Buong taon naman kasi, grabehan yang 1 movie per day. Maygas! Di kaya ng powers ko yun. As of today, may napanood naman na akong movie – ISA. Harhar. Ang dami na!

Yung 365 na yan, sisimulan ko na lang ulit sa birthday ko para naman may katuturan ang pagdagdag ko ng taon sa aking buhay. Tsaka para na din makasiguro na aabot pa ako sa aking susunod na birthday. Mahiya naman si Lord na kunin ako nang di ko natatapos 365 ko di ba? Haha. Joke lang Lord, pero huwag niyo na din muna ako kukunin. Ktnxmwah! =)

Yun lang naman ang sasabihin ko. Humayo kayo at magpakarami! Or magpakarumi. Whichever you prefer.

Advertisements
Comments
  1. josh says:

    ikaw na ang may blog! happy blogging!

Let's discuss!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s