Movie 1 of 100: Dalaw

Posted: January 21, 2011 in 100 Movies
Tags: , ,

Ok naman siya, nakakagulat.

Yun na yung movie review ko. Joke!

Dalaw Movie Poster

Dalaw Movie Poster

Bale yung istorya tungkol kay Stella. Asawa niya si Danilo, na bayolente daw ayun sa mga pinsan ni Stella. Pero si Danilo deds na. Namatay siya sa vehicular accident na si Stella nag survive. Dahil daw sa aksidente na yun, nabuksan ang third eye ni Stella at nakaka sense na siya ng mga kababalaghans.

Nung nadeds na si Danilo, nakipag chukchak naman tong si Stella sa ex niyang si Anton. Love is sweeter the second time around daw kasi, chos! Ikakasal na sila sa April. Ewan ko lang kung anong taon. Kaso, lagi nang may nagmumulto sa kanila. Laging nagkaka naytmer si Stella. Para bang pinaparamdam na ayaw nung multo matuloy yung kasal.

Pero tumuloy pa din naman yung kasal. Wala kasi yung part na tinatanong nung pari kung may hahadlang ba sa pag iisang dibdib nila. Feeling ko pag pinakita yun sa mubi, tututol yung multo. Nung kalagitnaan ng kasal, may naramdamang kakaiba si Susan (nanay ni Anton, hindi niya talaga pangalan, nakalimutan ko lang tapos siya yung gumanap na Susan sa unang Mara Clara). Akala ko natatae lang siya tapos naghahanap ng CR. LOLs. Sinundan niya yung itim na anino na lumilibot sa loob ng simbahan. Tapos natagpuan na lang siya nung anak ni Stella na nakahandusay tapos nakangiwi. Inatake ang gaga! Naparalyze. Tapos sinasabi niya “Ayaw niya” kaso di masyadong nasabi ng malinaw kasi nga nakangiwi na siya.

So kinailangang lumipat nina Stella ng bahay para alagaan si paralisadong Susan (di tunay na pangalan). Iniwan nila yung sasyall nilang house na may pond-pond pa sa labas, nag alsabalutan papunta dun sa baler nina Anton na ang ganda ng view. Pagtanaw mo sa bintana, makakakita ka ng mga puntod. Yes! Katabi sila ng sementeryo. Tapos ang pangit nung bahay nila, nakakatakot, pundido ang mga ilaw. Laging patay sindi. Ampf! Pagdating nila dun sa bahay, pinagbuksan sila ni Olga. Sumigaw ako dito sa part na to *para naman exciting* kasi nagulat ako kasi ampangit ni Olga tapos sira pa yung isa niyang mata. Akala ko siya yung multo, katulong pala sila nina Anton. Yung sira niyang mata, yun ang nakakakita ng mga kung anu-anong espiritu. As in tatakpan lang niya yung kanyang good eye, tapos automatic may infra vision na sa multo yung bad eye niya.

Dun sa bahay na yun andami nang kung anu anong pagmumulto. Tapos yung mukha ni Stella, lagi nang parang natatae sa takot pag sumisigaw. As in parang ganito:

All the while, akala nila si Danilo ang nagmumulto. Sinunog tuloy ni Stella lahat nang pikachurs ni Danilo. Sabi kasi ni Olga, dapat mawala lahat ng remembrance nung dumadalaw para tumigil na siya. Kaso ayaw paawat ng multo tehh! Dalaw pa din ng dalaw. Yun pala, hindi naman kasi si Danilo ang multo. Si Lorna pala, yung ex ni Anton na nabuntis niya kaso hindi pinanagutan dahil nga papakasalan na niya si Stella. Eto kasing si Anton, ang daming naging gelpren nung una silang naghiwalay ni Stella. “BROKEN HEARTS” daw kasi siya nun. Huhlols. Si Lorna, nagpakamatay sa loob ng kotse ni Anton nung nag-aaway sila tapos ibinaon siya ni Anton dun sa may putikan. Kaya pala yung dumadalaw, laging putikan. Eh ayaw pa naman ni Stella sa madumi, ayaw niya sa masikip, ayaw niya sa putik! Chos!

Tapos yun, nagkaron pa ng fight scene si Lorna at Olga. Dabest yun! Parang naalala ko yung kadiring fight scene sa Drag Me to Hell. Hanggang sa nagets na ni Stella na hindi si Danilo ang nagmumulto. Sinunog niya yung pikachur ni Lorna. Umapoy din si Lorna, pero yung sahig ng bahay na kahoy ay hindi umapoy. Tapos, tuluyan na siyang nadeds. Basta halos lahat sila nadeds na, pati si Anton. Shitty ending. Yun lang. Bye!

Advertisements

Let's discuss!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s