Movie 3 of 100: Love and Other Drugs

Posted: March 7, 2011 in 100 Movies
Tags: , ,

Dapat Love and Viagra na lang title nito.

Bale si Jamie (yung bidang lalaki), dealer siya ng drags. Tapos si Maggie (Anne Hathaway), adik sa drags. Yun. Chos!

Joke lang syempre. Si Jamie, nagtatrabaho sa electronic chuva outlet. Kaso, sinisante siya kasi naman chinohoba niya yung syoting ng manager nila. Bad! So yung kapatid niyang mayaman, hinanapan siya ng trabaho bilang medrep. Nagwork siya sa Pfizer tapos nagsayaw sila ng Macarena. lols.

Wala namang konek sa kwento yung Macarena. Bale pinapagbenta siya ng Zoloft, kalaban ng Prozac. Kailangan lang niyang makumbinsi si Dr. Knight na iprescribe ang Zoloft, tapos lahat daw ng ibang doktor, susunod na. So sinusundan sundan niya si Dr. Knight habang nanggagamot, kasi nga kinukumbinsi niya siya. Tapos saktong nagpacheck up naman si Maggie. Tapos pinakita niya yung boobs niya. Bowm!

Nakrasan siya ni Jamie. Bilang babaero talaga siyang likas, nabola niya yung receptionist na ibigay sa kanya yung number ni Maggie. Tinawagan niya siya tapos nag set ng date. Saglit lang yung date, bale mas matagal pa yung sex nila sa bahay ni Maggie.

Dahil mahilig sa sex yung dalawa, nagbenta ng Viagra si Jamie. Chos ulit. Di ko na maalala kung pano na-assign sa kanya yung Viagra pero dahil dito, naging successful talaga siya. Gumanda din syempre ang sex life nila. Si Maggie naman, laging hubad. Kaswalan lang ang pagbubunyag ng katawan, teh!

Yung problema lang naman nila, may Parkinson’s disease si Maggie. Dahil dun, ayaw niyang mag commit sa relationships. Basta, personal issues! Pero si Jamie, hindi naman natinag. Talagang pumunta pa sila kung saan saan para lang makahanap ng pang gamot. May isa silang pinuntahan. Malayo talaga. Tapos pagdating nila dun, kailangan pala nilang mag set ng appointment. Nagalit si Jamie. Kesyo ang layo pa daw ng pinanggalingan nila, sayang daw ang leave. Charot! Habang nagwawala si koya, mega walk out si Maggie.

Tapos nag away sila. Gusto nang makipag hiwalay ni Maggie. Feeling niya, kaya lang siya bet ni Jamie kahit may sakit siya kasi umaasa siyang magagamot pa yun. Natatakot siya na pag narealize ni Jamie na hindi siya gagaling, iiwan lang din siya. Imbento ko lang yan, pero feeling ko tama ako.

So naghiwalay na sila. Tapos after sometime, nagkita sila sa isang resto. Si Maggie nakikipagdate, si Jamie kasama ang boss niya, binalita sa kanya na promoted na daw siya tapos pupunta na siyang Chicago. Kaso narealize niya na di niya kayang lumayo. Pinuntahan niya si Maggie, tapos madaming mushy mushy cry cry na lines. Long story short, nagkabalikan sila. Hindi na pumunta ng Chicago si Jamie, nag enroll na lang ulit siya sa medical school. Tapos live in na sila. I think.

Muntik akong maiyak sa ending. Muntik lang okay!

Advertisements

Let's discuss!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s