Ang Babae sa Septic Tank

Posted: August 14, 2011 in 100 Movies, The Daily Grind
Tags: , , , , ,

Sobrang bagay tong pelikulang to dito sa blog ko. Poo repository = septic tank. Puro taehan lang. Napakabantot.

Bale tungkol siya sa tatlong taong gustong gumawa ng Indie film na award-winning ang datingan. Tipong pang Cannes. Si Papa JM yung producer, si Kean yung director tsaka yung isang babaeng kasing lusog at kasing ganda ko (lol) yung PA. Yung babaeng yun hindi talaga memorable, parang puro hagikhik lang naman siya buong movie. Si Kean, rakstar na rakstar pa din, wala namang naiba. Si JM, oh my gassss! Bat dun ko lang narealize na ang pugeh niya? Naka ilang palo at kurot din ako dun sa katabi kong nanood dahil kilig na kilig lang ako sa pagmumukha ni JM. Ow-em!

Siyempre bida dito si Eugene Domingo, THE Eugene Domingo. Siya kasi yung gustong kunin nina JM na lead actress dun sa film nilang “Walang Wala”. Ang bongga bongga lang niya, tapos feeling ko super fan talaga ako bilang napansin ko agad na yung bahay niya eh pareho dun sa ginamit na bahay sa Kimmy Dora. (Sana lang tama mga pinagsasabi ko dito) Pinakabenta sakin yung pinakita niya ang 3 types ng acting – winner siyempre yung TV Patrol acting. Tawa akong tawa habang nagkikikisay dun si Eugene.

Yung plot, tungkol kay Mila na sobrang mahirap at pilit pinagkakasya ang isang paketeng noodles na pagkain ng kanyang buong pamilya. Sa sobrang hirap ng buhay, napilitan siyang ibenta yung isa niyang anak sa isang Amerikanong pedophile. Dun lang naman umikot yung buong pelikula. Pinapakita ang iba’t ibang atake dun sa mga mga crucial sequence ng film. Pinakamahaba ata yung ginawa siyang parang musical, yun din yung pinaka boring.

Sa kabuuan, maganda naman yung pelikula. Para sa isang indie film, de-kalibre na nga talaga ang kalidad. Isa lang talaga yung issue ko: PILIT NA PILIT YUNG TITLE. Yung septic tank? Sa huli lang makikita. Ni hindi nga na-establish kung bakit may scene tungkol sa septic tank. Basta lang may septic tank, tapos nahulog dun si Eugene. Nakaka disappoint pa yung septic tank, walang wala dun sa eksena sa Slumdog Millionaire na nahulog din yung bida sa taehan. Wala. Pagkahulog ni Eugene, tapos na din yung pelikula. Nag zoom-in lang yung shot sa kanya na lulutang-lutang sa tae. Sa totoo lang, mukha lang namang sinigang yung laman ng septic tank. With all the oil and kangkong.

Bale di na muna ako mag uulam ng sinigang for a while.

Advertisements

Let's discuss!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s