Movie 4 of 100: Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan

Posted: March 17, 2011 in 100 Movies
Tags: , ,

Luma na to. 2007 pa pinalabas pero ngayon ko lang talaga napanood ng buo. This movie is a beri nays!

Bale si Borat, celebrity siya sa Kazakhstan. Pinadala siya ng gobyerno nila sa US para gumawa ng documentary tungkol sa uri ng pamumuhay at kultura sa Amerika. Kasama niyang bumiyahe si Azamat (producer niya) tsaka yung pet niyang manok.

Habang nanonood siya ng TV sa isang hotel sa New York, natiyempuhan niyang palabas ang Baywatch. Nakita niya si Pamela Anderson na naka swimsuit habang tumatakbo with matching alog alog ng kanyang future. Ika nga niya, “She had golden hairs, teeth as white as pearls, and the asshole of a seven-year-old.”Eh di shemps, nainlab naman tong si Borat. Sakto namang nadeds yung Amazonang asawa niya, so si Borat is now singgol and ready to minggol.

Gusto na ngayon pumunta ni Borat sa California kasi dun nakatira si Pamela. Ayaw naman ni Azamat kasi dapat nga sa New York lang sila. Eh di imbento ulit tong si Borat. Sabi niya, nasa California daw ang Pearl Harbor at Texas. Lols. Bilang wala namang kaalam alam tong si Azamat, eh di naniwala siya. Basta daw wag silang mag eroplano papunta kasi baka maulit yung Sept 11 terrorist attack. So nag driving lessons si Borat tsaka bumili ng sasakyan. Lumang ice cream truck lang ang inabot ng anda niya. Pwede nang pagtiyagaan. Bibili din sana siya ng baril na proteksiyon laban sa Jews kaso hindi ubra kasi hindi siya American Citizen, kaya bumili na lang siya ng bear. Yup! Bear. IDEK.

Tuloy lang ang adventures ni Borat. Nakabili siya ng Baywatch booklet sa isang yard sale. Na surprise butt seks siya ng dalawang homos. Ininterview nang live sa TV tapos nanggulo ng weather report ni Kuya Kim. Hehe. Kinanta ang Kazakhstan National Anthem to the tune of Star Spangled Banner. Nag enroll din siya sa etiquette lessons. Bale kailangan niyang makipagdinner dun sa mga old, cultured people. Tapos nag imbita siya ng bisita sa dinner, si Luenell, isang African-American prosti.

Basta maraming nangyari. Ang ending lang naman, napangasawa ni Borat si Luenell. Sinama niya siya pauwi ng Kazakhstan. And they lived happily ever after. Ganun.

Let's discuss!